God's Grace

12. 16. 2023

A full circle moment as Ian sleeps over my current house. I take him to my special spots here both private to me and openly shared after bringing him to my 4am jogs/runs— in 2020, he did the same for me. He brought me to the house their family lived in in Quezon then, and took me to experience his life there. He showed me the mermaid tail of their place, and well, I guess the purpose of this is to remind him of his.

“Maganda na ako kahit wala akong gawin”.

Tatlong batang lalaki tumabi sakin nung araw na iyon. Hindi ko inakalang may kakantahin sila habang nakikinig ako, “Mama, ako muna. Palagi mo kaming inuuna.” Hindi ko alam yung kantang ito pero naiyak na ako. Habang paulit-ulit nilang kinakanta mas naiyak pa ako karga ang karga ko sa klase bago nito. At sa totoo lang, hindi ko din mapagmaliit pero sobrang dinig ko lang din si Maya. Iyak na din siya ng galak.

Ang tagal ko na ito ginagawa. High school palang nanay ako ng isang buong school bus. Bata palang ako kinailangan ko maging matapang at pinili kong maging ina sa kapatid ko bago ko pa marinig sa ibang tao ano depenisyon nito sa kanila. Araw ko binigay ko talaga sa mga batang ito kasi hindi ko talaga sila binibitawan o nakakalimutan. Sobrang likas na sakin manatili kasama nila.

Pero sobrang tagal ko nang hindi nagbukas ng klase o Dama at Langkap na para sa kanila talaga. Iba naman yung maglaro kami, o may proyekto kami, o kung ano pang kasiyahan. Yung trabahong tutulungan sila bumalik sa katawan at kilalalanin ang dala nila ay ‘di biro… Iba din ang mata kong bukas sa alam ko ano nangyayari sa buhay talaga nila bago pa nila sabihin ito dahil lang kita ko sa kanilang pulso, sa mata at sa mga salitang alam ko. Sa mga pagbabago ng sarili o pagtago, mga aksyon na espisipiko sa mga batang ginalaw kagaya ko, batang sinisigawan bawat minuto nang kung ano-ano, at batang hindi alam na pwede siya magkaron ng emosyon at magkakapaki ang mga tao.

Sa gitna ng tawanan may nagkapikunan. Lahat kasi nung unang klase ay gutom sa pagmamahal nang iba’t ibang paraan. 25 ata silang ginagabayan ko at masaya naman… nakikita ko naman yung halatang pagdaloy ng lahat nito sa kanila bawat segundo pero realidad lang talaga na may mauungkat minsan. Dito babalik sa presensya.

Lumabas nanaman boses-ina ko at sabi ko, pag may nagpapahinga, at ginulo mo, tingin niyo ba makakapagpahinga ito?

Lahat: Hindi po.

Kung ikaw nagpapahinga, at pinansin mo ang ibang “magulo” sa paningin mo pero hindi ka ginugulo, tingin niyo makakapagpahinga kayo?

Hindi rin po.

At kung may nararamdaman ka at hindi mo sinabi, tingin niyo makakapagpahinga ba kayo ng maigi…?

Hindi po…

Okay!

So hindi natin alam minsan diba ano nasa loob ng isang tao… Malay natin- pagod siya sa nangyari sa kaniya sa labas, o may mga damdamin pala ito na hindi natin alam kasi hindi niya sinasabi. Hindi naman tayo lahat nagsasabi o nakakapagsabi diba? Pero kung tandaan natin na hindi natin alam yung pinagdadaanan nung isa ngunit nakita nating gusto niya magpahinga sa oras at iba pa… pwede nating respetuhin diba?

Kung nasaktan tayo, pwede tayo magsalita diba? Kung kailangan at gusto natin, pwede tayo gumawa ng paraan na ipaalam sa katabi natin lalo na kung hindi naman sinasadya… at kung hindi naman natin alam bakit ganon ang kaibigan mo o kasama mo nung araw na iyon, pwede din tayo magtanong pag naramdaman natin na payag pareho diba? Walang pilitan- walang kailangan gumawa ng ayaw. Pero pag-isipan lang natin iyon na hindi natin alam lahat…

Tingin mo, pag ginulo mo yung kung sino mong gustong guluhin, hindi ka niya guguluhin din? Haha!

Marami pa kaming pinagusapan sa gitna nito. Sila na mismo nagtahimikan o nagsabi pa ng kung ano-ano kasi alam ko namang ramdam nila ako at ang iba pang bata diyan. Hindi lang talaga sila binigyan ng espasyo na maging malaya sa lahat ng nararamdaman.

May mga oras na hinahayaan ko lang sila ilabas yung mga hugot na nakikita ko naman saan galing. Kailangan e.

Pero ako sa loob, sa gitna nito, sa totoo lang, bigla ko din nakita yung buhay ko bilang bata. Bigla ko naalala yung mga segundo nung kami ng kapatid kong si Rocky yung batang kinailangan ng ganito. Biglang naalala ko yung hindi ko pinili pero ito na ang bigay na trabaho bilang tagapag-alaga din ng emosyon ng bawat matanda sa bahay. Ina, asawa niya, atbp. Tapos tanga parin ako.

Pero sakin parin tetengga lahat. May masakit lang at kinailangan ko muna huminahon mag-isa at sakto naman ay susunod nang klase at ibang mga bata.

Marami pang ibang lumabas sa isip ko na hindi ko masulat dito. Pero sinusubukan ko hindi gawing perpekto itong pagsusulat ko ngayon… kasi ganito din siya ka-totoo kahit may bago akong salita mamaya…

May pinanuod ako nung isang buwan,

His & Hers. May mga tumagos sakin doon na segundo para sa iba’t ibang rason.

Yung lungkot ko na ina ako na parang ganon din sa inang ginawa lahat yun para sa anak niyang bida— pero na hindi ko naranasan para saakin mula sa ina ko nung ako yung ginahasa. Tapos yung iyak nung bidang babae ukol sa sakit ng pagkawala ng anak niya sa likod ng pag-alis niya kahit lumayo pa sa taong mahal niya talaga? Napalaya ako doble.

Pero sa totoo lang, tanggalin din ko muna lahat ng pagkapersonal o ano koneksyon nito lahat sa katotohanang nilagpasan at nabuhay ko naman na at nabubuhay pa akong patuloy na nakikita kung paano siya nagiging parte ng nililikha ng labis pa saatin…

Ramdam ko lang lahat ng paraan na kinailangan at ginusto para maging tulay ang dating pader o harang ng puso ko. Tapos nakikita ko ngayon paano ding nagiging parte siya ng pundasyon ng tahanan… Loob at labas.

Sa totoo lang yung tumatak naman sakin sa lahat na ito ay yung walang pagod na pagmamahal. Parang kalikasan lang na putanginang walang paki kahit subukan mo patayin lahat ng damo- babalik at babalik o babalikan mo din mismo. Hahaha.

Kahit ano pang ikwento kong araw, aspeto ng buhay ko- dun din ako uuwi. Maiyak man ako sa pagkakilala ng puso nitong pag-alala o matawa, parehas lang yung ugat nila.

Pag-ibig.

Pakiramdam ko, malulusaw ang tao kakalaban sa pagmamahal. Pero… iba din ang lalaban para sa pagmamahal.

Alam kong mahal na mahal nila ako.

Dama ko e. Siyempre alam ko. Paano ko hindi yun aalamin?!

Don’t let pride get in the way of Love.” ika nga ng boses ng Diyos paggising ko nung isang araw. Nyahaha!

Marami silang ginawa sa araw na iyan na mas malaki pa sa mga minutong hinayaan kong dumaloy at lumaya yung pagtanggap ko’t pagtahi ng mga memorya’t ngayon.

May mga batang naghatian kami ng Milo na pinapak. Yung putanginang baby fever ko parang salo na salo ng mga batang lalaki dito hahahaha! Ang cute kasi putcha :(

Yung paglinis nila kagaya sakin nang di na kailangan iutos dahil lang ligtas silang makiramdam saakin, at alam nilang makikinig ako.

Yung pagtulungan namin sa pagsagot nila ng mga kung ano-ano.

Yung tingin ni John Paul sakin habang nakinig.

Yung tawanan namin nang nagpapahiram ng kung ano-ano. Yung gusto nila ako picturan naman nang sila daw hahawak ng kamera.

At yung mga presensya lang nila talaga. Yun na yun. Yun na pinakamahal sa lahat!

Ang dami kong natutunan sa araw na ito mula din sa pagtingin ng konteksong ginagalawan nila ngayon dahil sa pagbabago ng kultura kaya syempre kahit kalsada darating iyan. O baka sa kalsada pa talaga umugat.

Pero sa ngayon, matutuwa lang ako alalahanin ang kanilang mga matang kumakausap sakin at yung puso nilang natibok nang buo.

My kids, I would never want you to not love yourself because I stopped choosing to love me- especially when I meet more parts of me.

I remember Rocky telling me in tears when I was a teen lost in the coping of my own suffering from what he did not understand but did not need to- “I was so hurt because I learned how to love myself from you… and I also learned how to stop from you.” and that woke me up again.

I’m no longer hard on myself the way I became when I became somebody he could not even stay with and feel like I was his friend because I was too… busy grinding or doing everything on top of everything. Though he now understands… I would never say it was okay for me to just forget.

So I’m happy to not forget….

2021 2026

Ito pala feeling pag mamanahin yung kapal ng mukha ko. HAHAHAHAHAHHAAH MAGANDA SIYANG FEELING SA TOTOO LANG

Today’s class is so much more fun for me because it’s nice being with the kids I was with before, like we grew together. They’re also older and can understand more, speak more too on what is something I make sure to hold properly when with younger children and of different contexts. So I get to blatantly tell them why I started doing what I did before and explain what each motion, technique, and practice was meant for with tactile frankness. We laugh hard too— I think nagkakaintindihan talaga yung humor at gulo naming mga teenage boys na ito. There is a joking that is laced with care, and a seriousness when they’re ready to get to our vulnerabilities and stay there. All in time.

Plus, since I saw them when they were kids, they treat me like… they really know me or that they were really known by me because they were remembered fondly and they get to receive that- not all of them have parents anymore, and not every parent of those that have them get to reflect that the way that I, other teachers, and Kyle can.

Yuri is going to be one of my guitar students this April once I’m back from my trip. It’s so… serendipitous. It’s way too on purpose for me (how God does her shit), and I love it.

It feels good to pass something to somebody I formed a bond with. We kinda look alike now, I realize. I’m also guffawing at the things he received from spending time with me and being receptive as fuck.

I didn’t even know somebody took a photo of this and if you can’t tell but I absolutely adore Emma and her poetry as she shares them to the world for the first time. Nothing we planned, but definitely destined. It was a perfect tandem for me too- my heart needed her heart to feel more than Love that night!

“Tita Philline, how come you are already building my career in 20 minutes?!”

Actually, ikaw na yun!

BamBam (A-safe) who is now a proud father, somebody I’m honored to be a witness to his growth, and trusted for his building his life and dreams. One of the most special music-making I’ve ever done is in Bliss (Lakas) with him and his friend.

SILA na yun!

There are smiles that know the worst, but still are the best because their love does not depend on anything that’s happening, who is around them, what the world tells them and what was done to them. Nothing external is an anchor here— just the heart.

Unexpectedly called in to hold a workshop just a few days ago. I met Micah who is somebody I just feel real cozy with and the range of their ages and experiences together was so rich for me to hold because this intersection is a dream. I’m just receiving the way God keeps giving the right things for me- listening, listening, listening.

But I’d rather we name them.

He still has more Love than others-

notice how he still shares it to a cat despite where his Life was at because he was shat on by something we gotta see for what it truly is.

People on the ACTUAL streets?

I’d rather we see them, respect them, support them, acknowledge them, and be active in creating a world WITH them.

Giving up is giving up so we made another way.

Don’t Forget to Remember

So much happened, I just want to take some time to love it all.

Leave you a mystery but pray for your misery to be lifted,

My strength is not my weakness… especially not when I can fully direct it

To Love.

Living for my dreams

With or without you

But always for you too

If you didn’t know Jean

You did not fully know me

She’s the softest

And most ruthless of my

Three

Names to reflect

my Entirety

I’m not God

I won’t ever be.

I get to be God’s baby

In serenity…

I quite enjoy giving my all

All the time

When God beckons me

And She beckons me

I’m not God

But I’ll always be

Love as She intended me to be

Bitch, it don’t fit

Too big

I love it

I’ll end it abruptly

Catch me!