under construction:
archiving all real
under construction:
archiving all real
01 20 2026
Ginising ako ni Grasya
2:44AM na— Isang oras na ata akong gising kasi hindi siya mapakali kay Mina
Inuwi ko siya kasi kailangan ko siya bigyan ng gamot
Sa labas talaga siya, sa isa pang kalye kasi dun niya trip mabuhay at gusto niya sa labas. Gusto ko lang din makakain siya kaya dalawang taon ko na dinaanan para bigyan ng pagkain simula nang nagpapakita siya sakin nang sadiya. Iba tamlay niya ngayong araw e. Kaya dinala ko sa vet. Ayan… may lagnat na. Puro sugat ang bunganga. Ang tamlay tamlay niya kanina. Alam kong pinaglalaban niyang mabuhay pa… Kaya pa. Alam kong kaya pa niya.
Eto namang si Grasya hindi mapakali kasi hindi pa niya nadanas magbahagi ng tahanan niya sa iba. Bunso e. Ayan. Ginising ba naman ako 12:47AM. Pinagkatiwalaan ko nalang yung daloy. Total, kailangan ko isulat yung panaginip ko kanina para maalala ko.
At ngayon, nandito na ako. Nagsusulat. Kasi naiyak ako nung may nakita akong bidyo ng dalawang bata ni Nica na minamahal ko— bigla lang dumaloy lahat ng memorya ng panahon na ito. Kakabuntis ko lang nga pala niyan. Wala pa akong sinasabihan ng mga alam ko niyan. Tatay man niya, kaibigan, kasama sa bahay. Wala silang alam. Wala silang alam.
Naalala ko sa kanta na iyan yung nagsama kami ni Jiji at ng isa pang kaibigan niyang babae sa paborito kong swimming-an sa Siargao. Pinakilala ko sa kanila. Sa totoo lang, kung papakita ko sa iyo kung san ako sumasaklolo, nananahimik, nagsasaya, at napag-iisa, ode mabuti ka sigurong tao.
Naalala ko din na ang dami kong nasa isip nung nililikha ko ito.
Gusto ko masaya sila! Malaya! Alam nila maganda sila! Na pwede sila ipagdiwang! Haha! Na mahal ko sila! Bilang kapwa-babae. Kapatid. Kasangga sa lakbay na nawawalan na ako ng salita para ipaliwanag sa hindi ito madama.
May mga naalala din akong mga lalaki. Yung isang mahiyain na pinagsisihan kong gamitin. Yung isang makapal yung mukhang magtago pero takot na takot mag-bukas puso. Sa totoo lang naman ginusto ko naman sila parehas kasi may naramdaman ako. Totoo iyon. Walang pait sa pagsasabi nito.
Naalala ko lang kasi nung pinapakinggan ko yung kanta na ito, minsan bilang babae, napapagod at nalulungkot na din kasi ako na parang… hindi ba nila kayang piliin na lang na mahalin ako?
siguro hindi. Siguro ito na iyon.
Hinding hindi ako naiyak dahil sa kanila ngayon. Haha! Sa totoo lang, mahal ko na yan sila para sa kung sino sila. Wagas. Ang iniyakan ko yung memorya nang
bukas na bukas puso ko
yung tumiwala ako kahit takot ako
kahit sira ako sa paningin ko
kahit hindi ko alam ano magiging reaksyon ng mundo
kahit ano pang kondisyon na ito
sinubukan ko talaga
tapos pakiramdam kong hinding hindi na ako bumalik sa bersyon ko na iyon. yung ako bago ako nabuntis, habang, at pagkatapos (yung unang taon)
yung taon mismo na “buntis” parin ako kahit lumaya na si maya sa pinangarap ko sa kaniya- yung buntis parin katawan ko kasi hindi ko daw mapipigilan ‘to. sabihin mo na lahat- hormones, biology, shit!
sobrang bukas ko sa mundo
sobrang bukas ko sa mundo
binigay ko talaga sarili ko
hindi na ako ganon…
ilang taon din na hindi ko magawa iyon. sobrang pagod. sobrang sakit. gusto ko na matapos buhay ko. pagod na ako. pagod na ako. pagod na ako. pero narating pa din ako dito.
hindi na ako ganon ngayon.
hindi na ako pagod din. panibago. pakiramdam ko may mga binalik sakin ang mga lihim at tago kong mga panahon na hindi ko pa nga nabubukas ngayon.
hindi man ako kasing bukas noon o kasing bulnerable, mas buo ako.
mas may desisyon mabuhay bilang ako
may desisyon sa paraan na- titindig akong nandito ang lahat nang ako at sa bawat panahon. hindi ko palagi na mabigay sarili ko… natututo palang ako ulit gawin ito kasi panibago na katawan, isip, at diwa ko muli. naglalakad ako na parang sanggol na walang magulang ulit. kagaya lang ni carla.
magugulat nalang kaming lahat naglakad na mag-isa.
ang ganda ganda ng mga panahon na iyon.
yung mga inosenteng pagkagusto
pagmamahal na puro
paghanga at inspirasyon na matuto pa
yung mga pagkakamaling nakakaasim ng mukha kahit na ang dami dami ko ding tawa
tatawa pa ako
salamat! hahahahaha tangina sakit ng katawan ko kakatawa
salamat
salamat
salamat
“I could be giving someone all of me. Don’t let me down. Don’t hold it back like that, just pull me closer.”
Don’t overthink when you could be loving me
SIMULA!
“Tawang tawa ako makita sarili kong kulot kasi naalala ko yung batang ako. Nawawala na tuloy yung resting intimidating aura ko.”
nung bata ako sobrang kumulot yung buhok ko nung grade 1 ako. yung tipong crimped. mas malala pa kay hermoine. hindi ko alam kung dahil yun ba talaga tunay kong buhok na lumaya na dahil hindi na hinihila ng kung sino sinong tao yung buhok ko pababa at suklayin akong parang may kinakatay o dahil ba palagi akong nasa labas? hindi ako alam. pero mas makapal pa buhok ko non sa mukha ko. ibig sabihin sobrang kapal talaga! HAHAHAHAHAHA e imagine mong kinulot pa bigla ng tadhana? tangina naman
inayaw ko ito nung tumagal kaya ang dami kong ginawa para gawing straight. sabi ng nanay ko mas maganda kung ganon. ano-anong sunsilk. tita chonie ko parang 2 beses na ako pinarebond. hinihila ko pa yung mga kulot kong buhok para matanggal sila sa ulo ko. straight & silky. straight & silky. suklay. suklay. hila pababa gamit ng kamay. hila pa! hilain mo pa! ayan na.
tinapon at sinunog ko lahat ng letrato ko nung may ganong buhok kasi palagi nila akong sinasabihan na mukha akong bruha. kairita.
wala naman akong paki- alam ko namang hindi totoo sinasabi nila sa ilalim pa ng salita. nakakairita lang kailangan ko pa sila palaging intindihin. papansin naman. yan na nga.
•••
konting kembot bago mag 2026
mahal nila ako dito sa Laguna, yung mga tricycle driver.
palagi kasi ako naglalakad kaya nililibre nila ako madalas
kilala pa ako ng iba nung sa iba pang panahon- naiyak na nga ako dati sa kanila dahil sa pinaka ‘di ko kinasayahang trabaho
saka mga buhay ang tao dito- gising kahit hindi papaalam sa paraan nang pag-iingay. yun na yun. bahala ka nalang madiskubre.
basta alamin mong hindi kami tulog nang gising
pansin ka sa pamumuhay dito
Hindi na kasing kapal yung buhok ko dahil sa mga kung ano-anong pagkulay, sa isang pag-bleach in particular na sinunog anit ko, at sa pagbitaw ko lang ng pagmamahal sa buhok ko nung mga 2018 ata? Dagdagan mo pa na palaging nasa dagat, nasa araw, nasa ilalim ng ulan at ano pa si Bakla. Hala siya! Pero kumakapal na siya ulit kasi kinakausap ko na muli buhok ko’t minamahal nang tunay. Sana triplehin niya pa sa kapal ng mukha ko. Kindat!
Eleven of the cities in Southeast Asia with cleanest air are in the Philippines, with Calamba in Laguna taking the top spot.
this is no longer true
but remember it was
Laguna is a grassland. I grew up seeing it way before people from wherever relocated here. Before residentials. Before Villar kept buying land--grabbing it and turned it into gated communities, businesses, and profit-focused “properties”.
Hindi ako Lagunense. LuzViMinda kami, pero ang mga ugat na malapit sakin ay Sugbuanon, Ilokano, Pangasinense, Kapampangan, Malolos, Tagalog, Aeta, at kung ano pa. Pero hindi ako Lagunense. My mother just bought herself a patch of land somewhere here in 1997. Her first and only piece of paper about owning land. It’s complex, but to her, this was the mark of her first attempt of making something beautiful of her tragic story, and fate. Almost every year since then, we visit just to see it. Spend time with it. Swim. Play. As my mother dreams. It was so quiet. Puro talahib. Puro… hangin. Alam mo yung pag hindi ka sanay sa malinis na hangin o malinis na kalsada, yung akala mo hindi ka makahinga? Pero sa totoo lang nararamdaman mo lang na yung katawan mo noon pala ay humanap ng paraan maging kalahating sara para makahinga sa mga madumi at malason? Bumubukas ka lang pala. Mas nakakahinga ka pala ngayon.
I saw its changes through the years.
I learned how to swim here when I was a little girl.
As usual, me and Rocky just shocked ourselves to do it on our own without supervision (I was 6, he was 3).
There used to be even more space than what people can taste now. It was not at all modern. Wala pang Nuvali. Wala pa ngang gusali.
Don’t mistake me.
I have a deep love for Metro Manila. I’m past blaming it for who she needed to become or well, who others forced her to. I’m past seeing it as the source of our wound. It was who abused us, not the land herself. Remember there is history there. Remember that even underneath those roads are SOIL. There is LIFE. I hate being colonized. I don’t support capitalism. I hate the system that dominates and that can be most felt in places like these. But I see us because I love us.
I really do. I see the love and Nature even through this concrete. On it. IN IT. As it. Look closer…
if you can’t see it: NEVER TWIST THE THROTTLE WITH YOUR EGO
Refuse the thought and feeling that you or another is superior because they live elsewhere. Most people do not choose where they live.
They might not even know about having a choice.
Basahin mo ito nang may tonong tanong na mapagmahal, na gusto kang kilalanin, na may grasya sa lahat, na bukas sa totoo.
Sino ka ba muna?
Almost every morning, I go here. I’m either finished running, jogging or training, or I am there to spend sweet presence on each other for anything. This particular day I loved on the pre-sunrise and readied myself to go to a new friend’s bakery because I kept wondering about the Garlic Pandesal she talked about.
We clicked ‘cause she loves Beyoncé
Many people here call me Beyoncé now.
I HAVE NO FUCKING PHOTOS BUT THIS IS THE BEST THING I EVER ATE THIS YEAR SO FAR
You know, Pan De Sal is not really local local. The Spaniards had us study how to make it and eat it so that we could be reliant on flour. So that we could be reliant on them.
But honestly, we made it our own. That’s what I believe. People could teach us shit and train us out of our ways for their own sick agenda but somehow, we will come through those forms. Our Pan De Sal will be different from theirs. Forever. You can paint a leaf its unnatural colors, and it will still reveal all the ways it is a leaf.
And in all its particulars.
BUT WE HAVE TO REMEMBER
Otherwise, we are lost…
“Neng, ingat ka pauwi ha.”
—Si Lolo Trike na sinabi sakin noon, “Ang ganda mo talaga! Gandang ganda kami sa iyo kasi palagi kang nakangiti pagkita samin.”
Natatawa ako tuwing siya nakatapat saking trike. Kasi sobrang Lolo niya. As in, mabagal ang takbo ng trike din. Alam kong may alaga bawat galaw. Saka tuwing hinahatid niya ako sa kung saan, para akong apo talaga dahil sa kung pano siya mang-alaga ng sakay. Ayaw pa tumanggap ng sobrang bayad.
Naalala ko Lolo Manoling ko at malapit na kaarawan niya. Ilang oras nalang.
I fell in love with the Garlic Pandesal & more because of the dough, and I enjoy going here now in the morning because their area feels different from where I am but is still trikable in 10-20mins and joggable in 20-30.
As I was walking back to the front of their gate, I feel as if the tree I was under intentionally thumped my head gently like a, “Hey!!! Notice me!” and I felt at first that maybe I was meant to get a leaf of it as an offering. Turns out it was a mango tree. Mango trees are so metaphorical and meaningful to me of a lot- from my childhood to my future because of my dreams. I felt like I was encouraged to trust my path and affirmed of my own decisions.
Gusto ko ulit ng taho e natuwa kasi ako sa kanila kahapon kasi napakabait. Itong nagbebenta palagi siya naggoogoodmorning at nakangiti pa. Sa totoo lang grabe soft spot at hanga ko sa mga masisipag, diligent at mga taong nasa mukha ang puso. Bagay pa sa kaniya t-shirt niya kasi nakalagay “Champion”.
Ang daming nangyari. Nagtrike ako pauwi at walang sumabay. Tuwing ganon kasi, kahit ako lang sakay hindi bayad “special” siya, 20 pesos parin para sa layo. Parang dyip yung trike dito kasi. Natawa kami ni Kuya kasi sinubok niyang umikot para mabawasan ng antay kasi 120 seconds pa nasa kabila e nagsabay pala kami. Haha!
May kotse na nagmamadali bigla ba naman gumilid nang parang walang pakialam kung mababangga kami. Parehas kami napa-mura at nastress din ako para samin.
“Hari ng kalsada?!”
Plinano ko ipamigay talaga lahat ng binili kong pan de sal. Sa mga trike ng Mesa, tapos sa kung sino pang naabutan kong parang tama. Gusto ko gawin kasi ganon Lolo ko. Hindi ko maiwasan na tuwing naalala ko Lolo ko, naalala ko Lola ko. Siguro kasi kahit nakikita ko silang bilang indibidwal sigurado, alam ko din naman Iisa na sila ng Lola ko, at parte yun ng istorya nila parehas— gets? Inabot ko na kay Kuya tong isa pang punong bag na iba pa para sa Mesa kasi alam ko nanghinayang din siya sa posibleng lugi dahil walang nasabay saka sa totoo lang, dahil lang naramdaman ko! Haha! Parang ang bait niya kasing tao. Nung binigay ko parang halos naiyak sa tuwa kaya naramdaman kong tama… Haha. “Papamigay ko naman po talaga Kuya kasi kaarawan ng Lolo ko.”
Just for my Lolo, from what I sense of his voice speaking to me as I made it. It’s reflective of the Life of him I knew, and his love for my Lola Cecilia (the Love that brought out every part of him to live), and his music. The ones he played for me as I stayed in their lovely home that I hope one day to even pass by again before I die.
Coca-Cola is now known as one of the most corrupt and harmful corporations on many levels- environmentally, socially, health-wise and politically. But back then, being in the Philippines that was surrounded by Spaniards and priests, churches, religion, and foreign agendas taking over, people needed to survive. Neighbors around my grandfather found a living because of his idea to take one product that started to become a people’s joy in complexity and have that be what can bring people together- rising by sustaining each other. Many people afforded houses, families, and dreams because my grandfather gave everybody that wanted them, jobs of a bigger income, work that makes one neighbor know the other because you are personally biking to deliver this soft drink every Christmas, and a clapback at allowing the status quo that existed after wars and genocides in the Philippines. Hindi papayag na doon lang sa posisyon kung saan tayo gusto- walang kaya, naghihirap, at sa ilalim nila. Take the table and flip it over- bring the next people and take over.
I’m sure my grandfather would not continue this further if he knew what Coca-Cola truly does sinisterly. But this reminds me of how un-black & white a lot is.
His richness is in how much he could support others becoming rich with him. His life was defined by the Love that others will not forget of him.
He did not give her the world.
She never needed it.
She did not ask for it.
He saw the world in her,
and knew that she is already a
world,
and he cherished it, valued it,
and loved it.
Together, they made a new one.
Together, they made a new one.
Together, we make a new one.