Pangarap

Bukas-palad,

Bukal na proseso

Nagmamahal at ineenganyo kang maging parte kung pinintigan ng iyong puso.

Tahan Na

pisikal na espasyo para hawakan ang iba’t ibang galaw para sa Kalikasan, at likha para sa komunidad.

Ginhawa,

Iba-iba,

MakulaY

Buhay

Hulma

ang mapagbigay na pananamit, pagdisenyo ng bago mula sa luma, at pagkita’t paalala ng dignidad sa pagkakaiba’t walang kaparehas ng bawat kaluluwa na maibabahagi palabas

“Ang tunay na kagandahan ay ang pagbigay Hustisya sa katotohanan sa pamamagitan ng pagbahagi ng kung ano ang nasa loob, sa mahahawakan at madadatnan ng iba sa labas. Ang kaluluwa ay nasa damit.” - Lola Nena

Sisid

ang makabuluhang pagsisid, pagiging isa sa mga naninirahan sa dagat, at ang buhay na direktang nakasalalay sa dagat kagaya ng mga mangingisda’t bangkero nang mahusitsya ang pagkuha’t bigay natin sa isa’t isa at sa Inang Kalikasan sa kaniyang tubig.

sa pagkinig sa diwa ng dagat,

ang katibayan ng komunidad ng dagat ay nakasalalay sa pag-iintindi sa kaniya

~

Binubukas ang pinaka-binhi at diwa ng mga pangarap na pangmatagalan sa diwa ng pagtitiwala ng bukal na pagdasal, at malawak na espasyo na may kalayaan na magsilbing inspirasyon, o siyang tunay na tawag na makibaka’t lumalom sa pagiging kasama likahin ang pangarap at intensyon na ito.

Marami pang detalyeng hindi bahagi dito para sa mas purong espasyo na hayaan kayong pintigan muna ang sarili at puso.

Salamat sa presensya!

Sa ngayon, nakalaan ang enerhiya ko para sa pagbuo ng sarili kong tahanan at pundasyon ng buhay na lahat ay sa pulso ng Kalikasan. Sa pagpapatuloy nito’t paglawak ay ang Tahan Na na magsisilbing tahanan ng mga hayop na nangangailangan ng alaga at tahanan, espasyong bukas para sa mga kasangga ng puso sa paglikha’t pagbahagi sa komunidad at lupa na inuugatan nito, at marami pang iba.

Mabuhay!

Made on mmm