Isa sa mga binahagi ni Summer ay ang pagkabulag ng tao minsan sa kaniyang pagkatao dahil sa kaniyang pangalang “Summer”, at ang ngiti na pinasa niya kahit ano ang tunay na naranasan na sakit.
Nandito Ako
“Alam mo na.”, sabi ko sa kaniya. Ilang taon din ang pinilas ni Magiliw upang tunay na kumonekta sa mundo na ito. Ilang taon pa ang maaaring gawing patas sa tawag ng tibok ng puso.
Unang pagkabuntis ito ni Julie. Naramdaman ko yung pag-iintindi namin sa isa’t isa sa tahimik bilang ina.
“Natatakot ako… Pero masaya ako.”
Tumawa kami ni Tiger, may saya at bitaw sa proseso kahit wala kaming ideya sa mangyayari. “Ano gagawin ko?”, sabi niya. Nilaro ko nalang yung musika na nilaan ko para sa kaniya. Dama ko lang bilang kapatid.
Sabi ko,
“Maging ikaw ka lang. Tumindig ka dito.”
NANDITO AKO
ay isang pagdiwang at deklarasyon ng iba’t ibang katotohanan ng babae ng Pilipinas. Nilikha nang may puso’t personal na koneksyon sa mga babae na ito, regalo na tinuldukan sa pamagitan ng letrato ng panahon bilang pagbabahagi ng realidad na pwedeng yakapin, magbago saatin, at nagmamahal sa buhay na para sa lahat.
“Wala masyadong tumatambay dito, Ate. Mukha siyang bawal kasi walang tao. Pero pwede talaga. Paborito ko dito. Tahimik. Pumupunta pa sila doon sa may park na ngayon. Bungad lang ito.”
Sinuot niya ang kaniyang pinusuan na pinapakilala siya bilang Alima.
“Pakiramdam ko ngayon ko na siya mabibigyan ng hustisya.”
“Para akong naging bata ulit.”
Nanahimik si Makia sa tabi ng ilog na masaganang umagos. Mga alitaptap na kumislap kasama ng mga bituin sa tahimik na gabi. At sa tunog ng walang salita—nagpalaya.”
“Noong tinanggap ko sa sarili ko na kailangan ko na simulan ang pagbabanyuhay (transition) ko. Nagpadala ako dati sa sinasabi ng ibang tao na wala akong patutunguhan kapag nag-transition ako. Tulad ng Balete tree na napalilibutan at nababalot ng mga pre-conceived notions ng mga tao, kesyo nakakatakot daw, puno ng misteryo’t masasamang nilalang, ganoon din ang tingin ko dati sa pag-ttransition—masama at hindi dapat puntahan. Mali ako. Puno ito ng ganda, kulay, kwento at hiwaga.”
Huminga muna saglit si Nica bago magsimula. Pagod sa biyahe, may dala ding anak. Pagod sa pagiging ina bukod sa iba pang mga trabaho na nagpahawak. Siya muna. Para sa kaniya muna.
Sa pisikal na libro, bawat babae ang pumili ng kanilang ibabahaging nag-iisang letrato na nilikha mismo para at parte ng proseso at pagkumpleto ng libro. Sa kani-kanilang intensyon at pintigan, sila ay nagbahagi din ng regalo sa pahina na tumabi sa kanilang piniling letrato. Nag-iisa at para lamang sa libro’t tumatanggap ang mga laman nito.
“Gusto ko ulit maramdaman yung sarili ko sa sayaw…”
Isa si Mika sa may kakayahang paiyakin ako tuwing sumasayaw hindi dahil sa kalungkutan ng binabahagi, kundi sa katotohanan at pagsuko ng sarili sa iba. Ibang klaseng pagkakumbaba ang kayang lumalim sa diwa ng galaw niya.
“Laro tayo!”
Ang Pagtatagpo ay librong sumusuporta’t binubukas ang proseso sa likod ng bawat letrato. Bago nabuo ay may panahon, intensyon, katotohanan, desisyon at likas at nabuo nang koneksyon. Bilang malalim na pagpapadama ng koneksyon ko sa mga kaibigan kong babae, ng isang babae sa kahit sino pa, binubuklat kasama ng sulat sa wikang Pilipino at mga letratong ‘di parte ng “Nandito Ako”, dito naman tayong lahat magtatagpo at magiginhawaan ng hiwaga ng Babae at Pilipinas.
“Nawalan ako daliri sa paa. I thought I was ugly. A part of me was lost. But then I realized, it was just a toe. Pagtingin ko kay Antu, masaya lang ako buhay kami parehas. And I realized it was really beautiful… that I am still Here. I needed to lose that toe, so I don’t lose myself.”
“So ewan ko paano siya gagawing candid, pero ang naiisip ko parang honest conversation lang nating dalawa, kuwentuhan, pwede ng buhay, mga defining moments siguro bilang limited ang oras, tapos parang second camera yung kukuha ng expressions habang shine share ang mga ito? Hindi ako masyado sanay sa posed eh, pero ikaw mag direct kung ano pa naiisip mo."
"just a little backstory on how i got drawn to snakes, it started after nung grade 12 final project namin na theatre play. i was casted as the bakunawa and it was the first time that i felt freedom sa previous university ko. i was able to wear heavy and graphic makeup, wear skirts and feminine clothing, and most important of all, i was able to perform on stage without limitations. it felt like i was taking back my shine and power that has been suppressed sa university na yun; that i was finally fighting back after being repressed for so long."
“Pakiramdam ko na tuwing tulog tayo, naglalaro ang mga puno. Binabantayan lang tayo lahat sa panaginip.”
“Gusto ko lang kumanta. Yun na yun!”
at patuloy pang lumilikha’t magpapakilala sa susunod na mga buwan.
Nandito tayo.
Abangan ang mga parating na ganap kasama ng iba pang manlilikha upang matanggap ang libro nang buo.
bubuklat nang buo nitong 09.2024