Kumakain ako ng hotdog palagi tuwing may sakit ako nung bata.
Huwag kang tatawa! Totoo nga.
Effective kaya.
Isang araw lang ako nagkakasakit.
Pag tumagal, ibig sabihin may nangyayaring iba…
mas malala!
Wala naman akong alam na ibang pagkain masyado.
Puro processed kinakain namin halos.
Minsan nga condiments lang.
Shunga kasi magulang ko noon.
Feeling hindi magulang.
Feeling kawawa.
Mas kawawa pala kami.
Pero tuwing may sakit ako, ayoko.
Kasi may nakikita akong babae sa panaginip palagi nag-iikot ng kung ano man.
Sobrang ganda niya. Pero parang hindi ko talaga siya mapagkatiwalaan.
May tinatago siya, at ‘di ko masabi ko mabuti o hindi.
Basta tawa siya nang tawa tuwing hindi ko nagagawa yung kailangan ko magawa.
Palagi siyang may iniikot na kung ano man.
Tali. Spiderweb.
Cotton candy?
Hindi ko alam.
Pero basta kailangan ko daw siya mahuli.
Tapos tuwing hindi ko nagagawa,
natatakota ko palagi kasi biglang nag-iiba mata niya.
Yung paang mamamatay ako kung hindi ako magwawagi.
O ano ba?
Nung tumanda na ako, pagkatapos ng maraming ginawa kong pagbabago,
nawala na ito.
Lumakas na din ako.
Napatanong ako ilang beses pa bawat edad na nangyari ito,
“O ako ba ito sa pagtanda? O baka naman gusto lang niya ng kalaro?”
Namatay ba siya sa bahay na tinirhan ko?
At bakit parang bet na bet niya ako talaga bisitahin?
Bakit naman sa bihira ko lang magkasakit ganyan pa?
Nako.
Kakain nalang ako ng hotdog.
May bimpo ako tuwing matutulog na ako para masalo yung papawisan ko para makatulong. Bawat patak para gumaan pakiramdam ko.
Bawat kagat kahit wala akong gana kumakain lang ako.
Kahit isang hotdog lang, masaya ako.
Sobrang espesyal sa feeling lalo na kung mas mainit pa sa lagnat ko.
Tuwing magaling na ako, tumuloy lang ako.
Nung bata ako, simple lang.
Kahit may mapaglaro akong panaginip,
may mga buhay ko na nagpapakanightmare,
At malay ko ba ano susunod na araw,
Kahit marami naman akong di alam
At ‘di kontrolado kasi nga wala akong magulang,
Alam ko lang na gusto ko pa maglaro.
Baka kasi bukas iba diba?
Baka masaya.
Saka nandiyan na si Rocky!
Hindi ko alam pero naramdaman ko e.
Ang saya parin ng pakiramdam na wala na akong sakit.
Bagong tao nanaman.
Bagamat
Buhay ko
Kahit ‘di iniingatan-
bihiri ako lagnatan.
Dahil ata Diva ako.
Baka may rason ito?
Hindi ko alam.
Pero bakit hindi?
Anyways,
get well soon.