Inahan,
d4s4l
Naway sumiklab ang mga puso ng mga taong nabuhay sa lamig at likha ng tao na mga empyerno’t hindi na nakaka-kaluluwang mga buhay at realidad.
Sana sa gitna ng aming mga kahirapan at dala na pait, sakit, at mga bigat na nasa katawan namin kahit bata pa man, sanggol o matanda, ay makadama ng kalayaan na pangmatagalan. Naway datnan at gampanan namin ang tawag na maging kasal sa galawan na nagpapalaya at makakapagpalaya.
Ang kalayaan ko, ay kalayaan nila.
Kinakanta ko ito para sa iyo. Sa babae ng mundo, sa babae na mundo. Sa walang hanggan na depinisyon na maaaring ibigay sa isa’t isa, sana doon kami tumugon at tumindig– sa Likas, sa Totoo, sa Mapagmahal. Sa Buo. Sa layon.
Salamat na sa inyo ako pinanganak. Sa inyo kami nanggaling. Sa lupa parin na palaging hawak kami, at kasing mapagbigay sa hangin. Sa hinga namin, na nagpapaalalaa ng biyaya saamin. Kami, ang isa’t isa at marami pang iba na nakikita at hindi nakikita. Na namamalayan at hindi minamalayan. Sa malaya man o hindi, nandito ka.
Nagmamahal.